» » »

Pumapatak Ang Ulan Lyrics

Pumapatak Ang Ulan by Parokya Ni Edgar  

CD  ·  DVD  ·  Sheet music


Pumapatak Ang Ulan Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay
Di maiwasan gumawa ng hindi inaasahang bagay
Laklak ng laklak ng beer sa magdamagan
Kung may kahirapan at di maiwasan
Mabuti pa kaya matulog ka na lang bago sumakit ang tiyan

Ang araw ko'y nabubusisi ako ang nasisisi
Bakit ba sila ganyan
Ang pera ko'y hindi magkasya
hindi makapagsine
At ayaw naman dagdagan

Ubos na rin ang beer
Kaya ano na lamang
Lahat sinusubukan
Kahit walang pulutan

Ang buhay ng tamad
Walang hinaharap
Ni konting sarap man lang

Radyo, tv, at mga lumang komiks
Wala ng ibang mapaglibangan
At kung meron kang tatawagan
Credit mo sa text ay makakaltasan
aaaaahhh..........

Umiindak ang paa sa kumpas ng tugtuging bago
Hanggang kumpas ka na lang at di mo na alam ang tono
Sa paghinto ng ulan
Ano ang gagawin
Wag ng isipin at walang babaguhin
Mabuti pa kayang matulog ka na lang
Matulog ka nang mahimbing

Pumapatak na naman ang ulan
Pumapatak na naman ang ulan



CD  ·  DVD  ·  Sheet music
Comments

comments powered by Disqus