» » »

San Man Patungo Lyrics

San Man Patungo by Parokya Ni Edgar  

CD  ·  DVD  ·  Sheet music



San Man Patungo magdamag naggigitara
ang bagal ng gabi
ang daming iniisip
ngunit wala namang masabi
nagsawa ka na ba?
subukan mong tumawa
tigilan ang pagiisip
ipagpatuloy ang pananginip

hindi ko maalala
ang lyrics ng kanta
kahit ako ang gumawa
iba naman ang nagsalita
mahirap talaga
kapag inaasahan ka
awitin na mga tula
na nagmumula sa pera

hindi ko inakala na magkakaganito
wala namang nagsabi na malabo ang mundo
hindi na rin naming inaasahang maintindihan
alam naman nilang wala kaming pakialam
kung san man tutungo
at kung kelam kami hihinto
kung bukas man o bukas pa
tuluyan nang tapusin ang kanta

gising hanggang umaga
hindi mapakali
pinipiga ang utak
ngunit wala paring masabi
kapag pinilit mo
at hindi na totoo
ang awit na natapos mo
ay mawawalan ng tono

hindi ko inakala na magkakaganito
wala namang nagsabi na malabo ang mundo
hindi na rin naming inaasahang maintindihan
alam naman nilang wala kaming pakialam
kung san man tutungo
at kung kelam kami hihinto
kung bukas man o bukas pa
tuluyan nang tapusin ang kanta


CD  ·  DVD  ·  Sheet music
Comments

comments powered by Disqus