SOUNDTRACKS: A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

ARTISTS: A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #







All lyrics are the property and copyright of their owners. All lyrics provided for educational purposes only.

Dugay Na Lyrics by Gary Granada 



Dugay Na by Gary Granada


Dugay, dugay na, dugay na, dugay na
Dugay, dugay na, dugay dugay na

Kailan mo huling dinalaw
Ang munting dalampasigan
At sa bukid na awaaw
Kailan ka huling tumahan
Langhapin ang mga dahon
At hipuin ang halaman
At dinggin ang mga ibon
At hangi'y hagkan

Dugay, dugay na, dugay na, dugay na
Dugay, dugay na, dugay dugay na
Kailan mo huling binati
Ang mga mahal sa buhay
Kailan pa huling ang labi
Ay nangusap ng makulay
Kailan pa namumutawi
Sa pag-ibig at kalinga
Kailan mo huling sinabi
Ang mahal kita

Dugay, dugay na, dugay na, dugay na
Dugay, dugay na, dugay dugay na

Kailan ka huling tumawa
At ang puso'y hinayaang
Makisalo at mahawa
At makikipagdiriwang
Kailan ka huling lumuha
Sa iyong mga kaibigan
At nanalig, nagtiwala
Sa nararamdaman

Dugay, dugay na, dugay na, dugay na
Dugay, dugay na, dugay dugay na