» » »

Salamat Musika Lyrics

Salamat Musika by Gary Granada  

CD  ·  DVD  ·  Sheet music


Salamat Musika Paano mo patatahimikin
Ang isang bunsong iyakin
Huhunihan ni inay ng la-la-rin-la-rin
Paano mo patatahanin
Ang pagtatampo ni Neneng
Pasalamat ka't may awit na kakantahin

Sa mga indayog tayo'y napapasayaw
At sa labis na galak ay napapasigaw
Ang mga kirot sa puso ay lumilipad
Ang mga mithi ay natutupad
Salamat, salamat musika
Lahat ng panahon maaasahan ka
Salamat, salamat musika
Itong munting mundo ay napapasigla

Ang mga bituin sa langit
At mga katha ng isip
Ay hindi sapat upang mabuhay ang daigdig
Ang magagandang tanawin
At mga tulang malalim
Kukulangin din upang tayo ay aliwin

Aanhin ang kayamanang di madadala
Aanhin ang kagandahang pansamantala
Ang katahimikan ba ay may magagawa
Upang ihayag ang nadarama

Salamat, salamat musika...

Napapasaya!

Salamat, salamat musika...



CD  ·  DVD  ·  Sheet music
Comments

comments powered by Disqus