Soundtracks: A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

List of artists: A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #


Gloc-9 - Oka lyrics

  Click to play this song!

Oka by Gloc-9


Buti na lang
Sakin ay dumalaw ka
Kung sino pa
Yung di ko kilala
Buti naman
May nakaalala pa
Sa tulad kong
Lagi na lamang
Mag-isa
Ang himbing ng tulog ko dito sa sulok ng aking selda
Nang may tumawag sa akin
Di ako makapaniwala
Ang tagal ko nang naka kulong ni wala manlang nangamusta
Bakit ka ba naparito? Teka muna sino ka ba?
Tawag nila sakin ay Waki di mo nako natatandaan?
Nakainuman kita dati
Dun sa luma niyong paradahan
Ah ikaw ba yun o anong kailangan mo sakin?
Wala naman tol gusto lamang kitang kausapin
May dala ako ditong damit
Baka nagugutom ka
Hetong pagkain naka balot
Pwede mong bigyan ang iba
Oh ayos ah ano tayo mag syota?
Pero salamat
Sana nagdala ka ng toma
Kung pwede lang sana eh
Teka maiba ako
Kumusta ka naman dito?
Eto dakilang preso
Napapadalas man*langin
Pero naniwala na rin
Na masyadong mataas ang langit
At dito sa baba ang impyerno
Buti na lang
Sakin ay dumalaw ka
Kung sino pa
Yung di ko kilala
Buti naman
May nakaalala pa
Sa tulad kong
Lagi na lamang
Mag-isa
Ano nang plano mo?
Ano pa eh di maghintay ng milagro
Yun lang naman ang pwede kong gawin eh umasa kay poncio pilato
Tsaka wala naman akong babalikan sa labas
Dati nakong tambay
Lagi pang utas
Sakit ng ulo ni Tatay
Palamunin ni Nanay
Di ako nakatapos
Suki pa ng away
Wala na ngang trabaho
Sa bisyo alipin pa
Alak pati droga
Sige mamili ka
Di ko naman sila masisisi
Anong gagawin ko ganito ako
Sino ba naman ang mawiwili
Pati kasintahan ko ginoyo ko
Pero kung bakit ako naka kulong?
Ibang usapan yun
Tungkol dun sa babaeng pinatay
Basta wala akong alam dun
Bigla nalamang akong dinampot
Sabi nila ako daw
Dito nako bumantot
Gusto ko nang bumitaw
Minsan nga naiisip ko eh
Napariwara na ba ako
Buti nalang dumaan ka may nakakausap ako
Buti na lang
Sakin ay dumalaw ka
Kung sino pa
Yung di ko kilala
Buti naman
May nakaalala pa
Sa tulad kong
Lagi na lamang
Mag-isa
O bakit ngayon ka lang bumalik?
Pinaghintay mo ako ng matagal
Ano ka nag papasabik?
'Yang mukha mong makapal
Umalis ka na dito di kita kailangan
Bakit ka nagagalit?
Ikaw nga tong dinadamayan
Huwag kang magmamalaki sakin
Baka mapahiya ka
At malaman ng lahat ng tao
Kung bakit hindi ka makalaya
Yung nobyang ginoyo mo diba yun yung namatay?
Dahil gusto mong kunin yung pera pati relo niya sa kamay!
Kasi lulong ka sa droga
Kaya lahat tinalo mo
'Yang pangalan mong Oka
Gasgas na yan sa inyo
Tapos lagi kang nagwawala
Kapag malakas yung tama mo
Kaya kawawa yung mga mahal mo
Sa pag mamakaawa mo!
Hindi ka nila natitiis kasi mahal ka nila
Pero hinayaan mong numipis lahat ng pasesnya nila
Tama lang sayo yan
Ang mabagansya ka
Isipin mo ninakaw mo pati sa pamangkin mong alkansya
Akala mo ba may kausap ka?
Sira wala
Nasa mandaluyong ka
Wala ka sa munting lupa
At hindi araw ang buwan
Huwag mong kulayan ng dilaw
Si Oka ay si Waki
Kasi ako ikaw



A-Z Lyrics Universe

Follow us

Lyrics / song texts are property and copyright of their owners and provided for educational purposes.