» » »

Bulag, pipi, at bingi Lyrics

Bulag, pipi, at bingi by Yeng Constantino  

CD  ·  DVD  ·  Sheet music


Bulag, pipi, at bingi Madilim ang iyong paligid
Hatinggabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sayo'y
Pinagkaitan

Huwag mabahala kaibigan
Isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan
Ligtas ka sa kaslanan

CHORUS
Di nalalayo sa'yo
Ang tunay na mundo
Marami sa amin
Nabubuhay nang tulad mo
Di makita, di madinig
Minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal

Ibigin mo mang umawit
Di mo makuhang gawin
Sigaw ng puso't damdamin
Wala sa'yong pumapansin
Sampung daliri, kaibigan
Dyan ka kanila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilan
Dakila ka sa sinuman

CHORUS
Di nalalayo sa'yo
Ang tunay na mundo
Marami sa amin
Nabubuhay nang tulad mo
Di makita, di madinig
Minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal

Ano sa iyo ang musika
Sa'yo ba'y mahalaga
Matahimik mong paligid
Awitan ay di madinig
Mapalad ka o kaibigan
Napaka-ingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo
Walang daing walang gulo

CHORUS
Di nalalayo sa'yo
Ang tunay na mundo
Marami sa amin
Nabubuhay nang tulad mo
Di makita, di madinig
Minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal

CHORUS
Di nalalayo sa'yo
Ang tunay na mundo
Marami sa amin
Nabubuhay nang tulad mo
Di makita, di madinig
Minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal



CD  ·  DVD  ·  Sheet music
Comments

comments powered by Disqus