Soundtracks: A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

List of artists: A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #


Buksan Mo Papasukin Ako Lyrics by Willie Revillame

 

Buksan Mo Papasukin Ako by Willie Revillame


Gusto ko lang naman malaman mo
Na ang isipan ko'y gulong-gulo
Nagtatanong kung susundan ko sya
Dahil ang puso ko ay nabihag nya
Alam mo bang minamahal ko sya
At tunay ang aking nadarama
Kahit ako'y nagmumukhang tanga
Ay ayos lang basta kasama sya
Kahit sabihin pa nang iba
Nababaliw akong talaga
Kahit mayroong ibang nagchacha-cha
Nagru-rumba, nagsa-salsa.
Pwede bang sabihin nyo to sa kanya
Ang puso ko'y nahihirapan na
Ano pa ba ang pwede kong gawin
Nau-ubra para maakit sya
Refrain:
Palagay kaya ako ng tato,
Magpatubo ng balbas sa nguso,
Magpalaki ng masel sa braso,
Magpadagdag ng pwet kay Belo
Chorus:
Buksan mo, papasukin ako
Bulaklak para sayo
Ano bang gusto mong gawin ko para mahalin mo
Buksan mo, papasukin mo na,
May tsokolateng dala
Bigyan mo naman ng pag-asa ang puso ko sinta.
Alam mo bang walang kasing saya
Sa tuwing ika'y akin nakikita
Ngunit malaki din ang problema
Dahil hanggang ngayon sayo'y umaasa
Lagi nalang akong naghihintay
Ngunit iba lagi mong kasabay
Kahit madalas kang sumasablay
Ako sayo'y nka i-smile
Repeat: Chorus
Repeat: Refrain
Repeat: Chorus(2X)
Bigyan mo naman ng pag-asa ang puso ko sinta
Bigyan mo naman ng pag-asa ang puso ko sinta
Sabihin mo na ang totoong may mahal kang iba!