» » »

Araw At Gabi Lyrics

Araw At Gabi by Rachel Alejandro  

CD  ·  DVD  ·  Sheet music


Araw At Gabi Lagi kang hinahanap sa bawat sandali
Mula ng makilala ka ay di na mapakali
Dahil nga sadyang ikaw ay walang kasing bait
Ang ngalan mo ang lagi ko ngayon binabanggit

Kahit san naroon tinig mo'y naririnig
Sa tuwing maaalala ka puso ko'y kinikilig
Bigla na lang merong ngiti saking mga mata
Tunay nga itong nadarama ay ibang-iba

Araw at gabi naaalala ka damdamin ko sayo'y di mapapagkaila
Iniisip kita bawat sandali, araw at gabi

Sana'y di ka magbabago kahit na kailan pa man
Wag lang sanang mangyayari na ako'y masasaktan
Dahil puso'y di matatanggap na ikaw ay mawala
Di mo ba alam sa buhay ko ika'y mahalaga

Ang tangi kong dahilan na mabuhay sa mundo
Ay upang sa bawat araw madama ang pag-ibig mo
Kung alam mo lamang sana na ikaw ang lahat ko
Na hindi rin liligaya kung malalayo sa'yo

Araw at gabi naaalala ka damdamin ko sayo'y di mapapagkaila
Iniisip kita bawat sandali, oh oh

Araw at gabi naaalala ka damdamin ko sayo'y di mapapagkaila
Iniisip kita bawat sandali, oh oh

Araw at gabi naaalala ka damdamin ko sayo'y di mapapagkaila
Iniisip kita bawat sandali, oh oh

Araw at gabi naaalala ka damdamin ko sayo'y di mapapagkaila
Iniisip kita bawat sandali, araw at gabi



CD  ·  DVD  ·  Sheet music
Comments

comments powered by Disqus