» » »

All Star Lyrics

All Star by Mike Cosa  

CD  ·  DVD  ·  Sheet music


All Star Maraming ranko ang kinarkula sa akin ay nag estima
Ang rhyme ko ay makamandag na parang laway ng tarantula
Tignan mo ang karatula basahin ang islogan
Ito ang allstar na parang kwento ni marc logan iba ang husay ko kaya wag
Mong ikumpara meron ngang pampadulas kulang naman sa
Pambara akoy kumakanta kahit ang bayad lang ay pang chicha
Yung iba panlibo nga pero binabato ng picha (hahahay)
Ang daming angas dyan na gustong magpasikat sumampa sa aking balikat
Dahil maagang pinulikat wala sa aga ng pagmulat ang maagang
Pagkagulat ngayon pakinggan mo ang kaalyado ko kapag bumanat

Hindi ko lang alam bakit ang daming mayayabang lilipunin ko kayo
Kung ako si kumander bawang parang sinaing na pinabayaan na tutong
Mga istilo nyong hinukay pa kasama ang kabaong humarang ang kalaban
Upang makipaggulo hindi sila natakot na mabasag ang bungo sa suntok na
Pampakalma kutos na napakalutong at kung mag aangas ka pwede wag mong
Ibulong si innocentone ngayon sa beat ang lumalapat ginagamit ko ang dila mala espada
Kung sumugat imulat ang mata na natabunan na ng muta mag aral na muna kayo
Ng di mukhang kawawa!

Akoy babanat ng simple pero sa utak babaon kulang
Pa ang nilamon na bigas sige kaon
Sabay ka sa alon ng mga humamon ang kritiko
Na nambaon sa inyo di na unknown naglipana
Na hindi ko na matanto mga bobo nagkalat sindami
Ng aking tattoo taas ang hinlalato dahil di mo
Kayang hamakin parang namimingwit sa dagat ikaw ang pain
Wag mong bilugin ang utak ko sa laro
Di ka gagaling sa porma taga mo yan sa bato
Kaya makinig ka sakin na huling ilalahad wala kang
Maipagmamalaki kahit tumingkayad

Para kay kosa aba dun ay magmiminupan samantala
Halika manghiram ka na ng mukha sa isang
Aso na para bang isang baso ng tubig at sa mukha mo
Itinapon di ka peso pito piso tumalon ka na
Sa galak na parang kwerna dun sa selda na inander ng
Parak walang palakpak na aalay at sayo isasalubong
Mistulang damit mo sa baul ang tela ay umurong gumugulong
Na ang roleta ng kapalaran ang lawak ng aking isip
Ay parang sang paliparan at sakin wag kang umasta
At magtapang tapangan ako ang tupang itim na tinakwil
Na ng pastolan

Bawat pintuang papasukin mo ako ang sasara bawat
Kabanata ng yong buhay ako ang unang pahina sa bawat bomba
Ako ang syang magsisilbing mitsa mamamalikmata
Hindi ka na makakatawa aanhin ang mabilis na salita
Kung pilipit naman ang yong dila di magkanda ugaga
Naninigas na ang sikmura gagayahin mu sila tatagal ka ba
Hindi na nga makuha bakit pinipilit pa ta's sasabihin mo
Ginagaya ko istilo ng iba ako si hudas at si hudas ay nag iisa
Simula noon hanggang ngayon walang pinag iba
Aking pruweba nag iisang mike kosa

Ang mga lyrics ay pulido lahat itoy sulido at
Hindi na mapigilan na parang isang torpedo parang si flash elorde
Ang suntok ay mabilis marunong din akong bumanat ng tagalog at english
Nasan na ba aking panulat at ako ay mag uulat
Bumuo ng isang bagyo na para bang akoy habagat kumalat ang mga
Bobong nagtapang mga nagmamarunong pero kanta ay matabang at
Para bang dagat pasipiko pakinggan ang awitin ko habulin mo
Ang dila ko lamunin mu ang utak ko ang mga bata na
Kailangan ng ayusin mga lumalaki ang ulo kailangan nang kalasin.

Pwede bang iyong pakibuksan ang bubunan mong talaga
Namang walang laman nasubukan mo na ba na magilitan
Puwes gagawin ko sa iyo kapag pinagpilitan talaga n
Aman na mahihilo ka kay mike kosa na masahol pa sa
Vodka correct ka dyan hindi mo pa ako sadyang kilala
Ehem sya nga pala isa sa look-a-like ni aga bulak
Ilalagay ko sa iyong ilong parang bola na ikay aking
Pinapagulong tulong yan ang tangi mong babanggitin
Ang pagsali ko sa sundalo
Ay susulitin
Ako si pilay lumilipad na para bang si superman nandito
Ko naghahanap lang ng pagtitripan nagpapalipas lang kasi
Wala akong magawa wala akong paki kahit sakin di ka natutuwa
Bubula ang bibig mo para kang naglason mamamatay ka kasi
Burat ang nilalamon ito ang hamon kaya kailangan mong matuto
Ang rap ay simple lang parang lang nagpriprito paborito mo
Ako kasi ako naririnig sa tuwing nakikita mo ako ikay kinikilig
Makinig ka batang pilay kasama si mason wag mong ginagalit baka
Pumutok parang mayon tupang dulo na hinango sa puganteng matalino
Na kakosa ng sundalo wag mong itanung kung sino at kanino
Ang pangalan na aking babanggitin mike kosa katunggali
Lalagnatin at ako si young zen isa sa kanyang kaalyado kami
Magpapataob sa mga utak na palyado selyado ang tondo sa mga
Magbabalak humawak pagkat aming nalalaman hindi lang ganito kalawak.
Pagtapat ng aming linya ay sing lalim ng patibong na dadarag sa dating
Pati sa mga usbong at kahit ka tumakbo kasing bilis pa ni
Bilyega madadapa ka rin sa istilong mala iboga

Nadapuan ng kaba sa mga kalaban na nag abang parang
Kape kami tamis kayo ang matabang kahit na mag tapang
Tapangan d pa uubra kahit na mancho ang tingin ko sa iyo
Nahahabra kaya wag nio kong masapang kami ay maharot walang
Mahihita sa takot mong malulunok o mga letra na sing baho ng durian
Pag nakalaban mko malamang may pag lagyan mas masahol
Pa sa pusa kinakain kanyang suhay yan ang tingin ko sa mga kalaban
Parang plema kung dinura para mka laban para kahit
Ano ang sarili ko ay malibang

O aking dula sinulat ko lng on the spot hindi
Kayo pwedeng sumabay kung katawan nyo ay patpat at bigla kayung
Tutumba na para bang marupok na poste kung I dedescribe
Kita para ka lang bulok na tae subukan sumabay katawan
Nyo mag hihiwalay hindi ko na pinag bibigyan dumaan dito
Saking tulay at ako ang nsa gitna sumabay sakin mpapa sama
Ang mga kalaban ko malamang humalik saking paa mga tanga
Napa nganga di alam kung gagawin matapos ko paalisin
At pag sisipain ayoko ipapa kita ang aking kakayahan ilalabas koto kung kinakailangan

Yeah! aking misyon palaganapin kung ano ang
Nararapat maging insipirasyon na hindi na kayang
Maawat mula nang mag ka mulat ang dami kong nasilayan
Mga naligaw ng landas tungo kay kamatayan ako ang mensahero
May dalang papel panulat libro ko ay bibliya inuulat naka
Sulat simbolo ng tapang ang liyong mabagsik confuse parang
Latigong humahagupit lumulupit ang sulat ng makata pag hinasa
Kasama si mike kosa na handa na rumagasa ngayon ang taon na kami
Ang mag hahari iiwan kong bakas sa isip nyo hindi mapapawi

Mga baraha ay amin nang binabalasa kasama ko aking ka
Kosa hindi sa loob kundi sa larangan ng hip hopan lahat
Ng di sang ayon ay aming papa hirapan sa bawat patak
Ng oras ilang taon na ang lumipas pag dating sa larangan
Na to hindi pa rin kukupas sa pag bigkas at pag gawa ng
Mga malulupit na tugma sa pag susulat ng mga letra ay
Matagal ng bihasa at sa mahabang panahon ay na ipon na
Ang galit and daming kumakalaban ang ipit ngunit subalit
Nsaan na kayo nahulog na sa putikan manahimik na lang at
Makinig dito sa batikan
Tinanggap ang paanyaya at bilang kapalit inihahandog ko
Ang anim na rima tugmaan naman ang klima matuto kang
Tumalima bago mo pa sabihing kaya makinig saming mga
Liriko at ngayon tibagin kung kaya malaya kong ihahatid
Ano man ang aking nais karanasan ng aking guro kaya punahin
Kung merong dungis malinis at walang bahid bibigkasin ko ng
Malinaw pero kung di mo pa rin makuha o eto isa pa nga ang hataw
Ako walang iba si kain kasama ng buong selda haharap muka sa muka
Lahat sila kasama isang katerba kaba ay di nadama at nag preperada mas
Maaga dedikasyon ay ikinasa kinatawan ng buong hilaga

Ito ang bagong aklat na binuklat ni mason
Ang hukom bitay ng sundalo like palyadong
Mison binubusisi ang mga bilang para sa
Nag abang dahil sa sapang sinisid na di
Umabot sa pang pang dahil ako ang harang sa mga
Pekeng tumapang kung ilang beses ka lumaban yun din
Bilang ng pag gapang wag mo asahan sa bakuran ay
Mkaka tung tung dahil kmi ang bagong saing at kayo
Ang tutung kahit mag 1 on 1 tyo partida uy walang
Planketa lilisanin mo tondo na may dala dalang dalang
Maleta pagkat ito ang wakas sa mga nagmatigas dahil
Marami ka pa boy kakaining bigas



CD  ·  DVD  ·  Sheet music
Comments

comments powered by Disqus