» » »

Director's Cut Lyrics

Director's Cut by Kamikazee  

CD  ·  DVD  ·  Sheet music



Director's Cut Pagmulat ng mata agad kong naalala
Kagabi sinabi mo ayaw mo na
May mali ka bang nakita?
May mali bang nagawa?
Bigla na lang naisip mo ayaw mo na

Lahat ng gusto mo tamang sunod ako
Nagtataka bakit biglang ayaw mo na
Binigla mo ng lubusan nang ako'y iyong iwanan
Isang iglap naisip mo ayaw mo na

Lumingon sandali lang bago mo tuluyang iwan
Nais kong...

Sumigaw palabas at sasabihin sa iyo ang lahat
Tumakbo palayo at iiwanan na ang alaala mo
Nanginginig, nalulungkot, nahihibang at tulala
Pagod na yata ang ngiti, nauubos din ang tuwa
Nag-iisa, umiiyak, nahihirapang huminga
Pagod na yata ang ngiti, nauubos din ang tuwa
Nanginginig, nalulungkot

Lumingon sandali lang bago mo tuluyang iwan
Nais kong...

Sumigaw palabas at sasabihin sa iyo ang lahat
Tumakbo palayo at iiwanan na ang alaala mo

At kung hindi na babalik
Sana sa paggising ay wala na ang nadaramang sakit
At kung hindi na babalik
Pilit sasabihin na hindi ako nagkamali

Sumigaw palabas at sasabihin sa iyo ang lahat
Tumakbo palayo at iiwanan na ang alaala mo


CD  ·  DVD  ·  Sheet music
Comments

comments powered by Disqus