Soundtracks: A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

List of artists: A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #


Madaling-araw Na


Gary Granada Lyrics

 

Madaling-araw Na Lyrics

Madaling-araw Na by Gary Granada


Madaling-araw na, isip mo'y malalim-lalim
Kalagitnaan na ng liwanag at dilim
Bakit kailangan pang ika'y pumasok sa silid
Gayung yaong pinto'y matagal ng nakapinid
Sa iyong dibdib

Di mo makapa ang iyong nararamdaman
Hindi lungkot, hindi saya
Hindi bagot, hindi naman din balisa
Isipin mo na lang na lahat ng nilalang
Nahihimlay, nahihimbing
At nananaginip ng nag-iisa
Walang nagsusulat dahil walang nagbabasa
Walang bumabagsak dahil walang pumapasa
Sa bawat bagong iyong natutuklasan
Ika'y natututong kayrami-rami pa palang
Di mo alam

Di mo makapa ang iyong nararamdaman...

Sa babaw ng mundo, kung ibig mong magtampisaw
Maraming kasundo at kasabay sa iyong galaw
Ngunit ang wika, nagbabago'ng kahulugan
Sa dalas ng bigkas, unti-unting nawawalang
Kabuluhan.



A-Z Lyrics Universe

Lyrics / song texts are property and copyright of their owners and provided for educational purposes.