» » »

Address Lyrics

Address by Gary Granada  

CD  ·  DVD  ·  Sheet music


Address Kung ika'y may reklamo sa ating mga batas
Na hindi makatao at ang turing di patas
Huwag kang mag-atubili na sumulat sa Congress
Tiyakin mo lang hane na tama ang iyong address

Ang address ng Kongreso ay hindi sa Batasan
Kung gusto nyong diretso ang inyong mga liham
To Our Brilliant Lawmakers, Corporation ng Angkan
c/o Chamber of Commerce, Makati, Philippines 2000

Kung iba'ng ginagawa at iba'ng sinasabi
Ni Commissioner Ngawa at ni Praise Secretary
Kaagad ipaalam sa ating Presidente
Basta kumpletuhin lang ang isulat sa sobre

Ang address ng Pangulo ay hindi MalacaƱang
Kung gusto niyong diretso ang inyong mga liham
To The Leader of the Land, c/o IMF-World Bank
U.N. corner Nagtahan, Manila, Philippines 2000
Kung mayaman na tao at kilalang kriminal
Ay ginagawang santo, tinuturing na banal
Sa korte sumulat ka ngunit konting ingat lang
Baka mauna ka pa kaysa doon sa iyong liham

Ang address ng Husgado pareho lang sa Simbahan
Kung gusto nyong diretso ang inyong mga liham
To The Holy Trinity, Praise Da Lord, Thy Will Be Done
Camp Crame, Quezon City, zip code Philippines 2000

Bago tayo magwakas, may extrang public service
Sila na ang nagbubukas ng sulat sa post office
Ugaliing mag-zipcode, singbilis ng time machine
Pebrero nang ihulog, Enero nang dumating

Ito ay katuwaan lang, katuwaang totoo
Kung iniisip nyo pang lumiham sa gobyerno
Basta't ang mahalaga'y huwag tularan si Isko
Habang nasusunog ang bahay, sumulat sa bombero



CD  ·  DVD  ·  Sheet music
Comments

comments powered by Disqus