Sana Lyrics

Gagong Rapper Lyrics Sana

  Browse by artist name Search Browse by soundtrack
 A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

Sana


by Gagong Rapper. Buy album CD: Other Songs 3 - U


[CHORUS]
Sana lahat ng pangarap ay makamit
Lahat sa tuwina ikaw ang kasama
Tayong dalawa ay masaya sana
Sana

Habang namamasyal sa park hawak ang Humpy Dumpy
Bigla lang may natanaw, isang magandang binibini
Napangiti, sumunod aking mga mata
Hinangad na sana'y makilala ka at makasama

Sa tuwina, ikaw lang ang aking pinapangarap
Na sana'y habang buhay na kitang makakayakap
O anong sarap kapag ikaw natatanaw
Sana sa iyong puso ay wala akong kaagaw

Isasayaw ka na parang sa 'Huling El Bimbo'
Mapa-chacha man o tango, paborito ni sarhento
Ibibigay ko sa 'yo lahat ang luho
Basta't malaman mo lang, ang lahat ay hindi biro

Sana'y marinig mo, sana'y mapadama ko
Na ikaw lang ang iniisip ko minu-minuto
Sana'y malaman mo na meron sa'yong naghihintay
Nandito lng ako magmamahal sa'yo ng tunay

Nakakapagpabagabag, kumakalabukab
Sa damdamin ko kasi, ako sa'yo ay inlove
Naglalagablab, lumiliyab aking mga pangarap
Kailan, saan kaya puso mo ay mahahagilap

Sa alapaap ako lagi nakatingin
Nananalangin, sana ika'y mapasaakin
Simoy ng hangin, dumadampi saking mukha
Hindi ko napapansin na ako pala ay tulala

May himala pa ba sa akin na darating
Sana makasama ka at akin nang makapiling
Sa paggising, saking pagmulat ng mata
Hinihiling ko lng sana sakin nakayakap ka

O sana, sana, sana, O sana talaga
Imahinasyon ni Tumpak magkatotoo na
Sana makamit na, sana makasama ka sa tuwina
Sana madala na kita sa pwestong kaaya-aya

(Chorus)

Simula nang makilala ka at matanawan ka
Ikaw lang girl ang hinangad ko sa buong planeta
Sana man na man na, sana man na man na, ikaw lang diba
Ano pa ba kailangan para ikaw ay makuha
Sana aking sinta ako ay iyong nakikita
Nang mapagmasdan mo talas sa'kin mga mata
Sinisigaw ng puso, sana ay marinig
Sinisigaw ng puso mo sa akin pag-ibig

Lamig at himig na sa'yo lang ilalaan
Walang hangganan, sukdulan na ito sa buwan
Mahagkan na kita para ba 'kong nabaliw
O aking giliw, ako sa 'yo'y naaaliw

Para bang paksiw, ikaw ang aking paborito
Basta't komplikado, pag-ibig ay totoo
Sana malaman mo na ang lahat para sa 'yo
At 'yon ang tangi kong pangarap sa buong mundo

Girl, nasaan ka na, kita mo ako'y nalulumbay
Halikan mo lang ako, para ba akong hinimatay
Nawalan ng malay sa halik mong sobrang tamis
Makuha lang kita, handa na 'kong magtiis

Kahit ga'no pa katagal ang panahong lumipas
Sa 'yo ko lang ilalaan ang minuto at oras
'Pagkat sa puso kong ito, ikaw lang ang gamot
Ikaw ang bumura ng hirap ko at lungkot

Malambot mo na palad, kailan ko mahahawakan
Ang matamis mong halik, kailan ko matitikman
Ako'y sabik sa iyong pagmamahal
Hihintayin kita kahit ga'no pa katagal

Maging hangal, okey lang 'yon, aking tatanggapin
Makuha lang kita at puso mo ay maangkin
Ibigin mo lang, para bang lumilipad
Sana pangarap kong ito lahat ay matupad

(Chorus)

Hindi kukupas ang pag-ibig ko sa 'yo, parang maong
Lagi kong sinasalat ang kamay mo, parang mah-jong
Dahil lulong ako sa 'yo na parang bisyo
Ikaw ang nagpalundag sa puso ni Dencio

Pero sana, 'wag mo sana akong saktan
Sa ating relasyon, iyong loob tibayan
'Wag mong pakinggan ha, ang mga humahadlang
Dahil ikaw ay akin at sila'y inggit lang, you know

Oh, sandali, hindi naman sa nagmamadali
Pero alam ko rin naman na pag-ibig ay 'di madali
Pero hindi na mapakali na sana bukas
Ang bawat buhos at tulo ng luha, ikaw na sana magpunas

Ang makatabi't makayakap ko, ikaw na sana
Ang makamit, maging kalinga ko, ikaw na sana
At sana, pakinggan mo awiting inaalay
Eto pakinggan mo, tanging masasabi ko ay (masasabi ko ay)

[Repeat CHORUS twice]




sheet music Buy Gagong Rapper sheet music
cd Buy Gagong Rapper CDs
guitar tabs Gagong Rapper guitar tabs
Album: Other Songs 3 - U Lyrics
cd Buy "Other Songs 3 - U" CD
  1. 'wag Na Muna
  2. Angel Of Mine
  3. Bakit
  4. Bakit Kung Sino Pa
  5. Bastat Kasama Kita
  6. Bhaby Girl Koh!
  7. Bumalik Ka Na
  8. Burado Ka
  9. Buti Pa
  10. Di Pwede
  11. Dimo Ba Pansin
  12. Doon Lang
  13. Fixing A Broken Heart
  14. Hangad
  15. Hangang Ngayon
  16. Hithit Buga
  17. Huling Hiling
  18. I Love You
  19. Ignition
  20. Iwanan Mo Na Sya
  21. Katumbas
  22. Kaya Mo Ba
  23. Kulang Na Kulang Ba
  24. Kumpleto Rekado
  25. Kung Maibabalik Ko Lang
  26. Lean On Me
  27. Luha
  28. Lumisan
  29. Magkapareho
  30. Magpakailanman
  31. Mahal Kita, Mahal Mo Siya
  32. Missing You
  33. Na Aalala Ka
  34. Natupad Na
  35. Noon, Ngayon At Bukas
  36. Nye Nye Nye
  37. Officially Missing You
  38. Pagbigyan
  39. Palasyo
  40. Panaginip
  41. Panaginip (Acoustic Version)
  42. Promise
  43. Puro Ka Porma
  44. Rosa
  45. Sa Katotohanan
  46. Sana
  47. Sana'y Totoo
  48. Sayonara
  49. Sulutera
  50. Tears In Heaven
  51. Torete
  52. Untitled

Comments







Song words / lyrics from Other Songs 3 - U album CD are property & copyright of their owners and provided for educational purposes.
DMCA Policy | Add/correct lyrics  |  Request lyrics  |  Links  |  Privacy | Contact us    © STLyrics.com 2002 -