» » »

Kabet Lyrics

Kabet by Gagong Rapper  

CD  ·  DVD  ·  Sheet music


Kabet [Verse 1]
Kay sakit namang isipin na sa puso mo ako'y pangalawa sa tuwing makikita kitang kasama siya pinipikit ko ang aking mga mata at sa gabing kasama mo siya halos hindi ako makahinga kayakap ko ang bote ng tequila nagmumukmok sa ibabaw ng lamesa naghihintay hanggang sumapit ang umaga nang muli kang makasama.

Ano ating lagay hindi mapalagay ako'y nasasaktan pag hawak mo kanyang kamay sa kanya ka sa tanghali akin ka sa gabi pagdilat sa umaga yo! wala kana sa tabi meron kahati gusto kita na mapasaakin kung pwede lang ba sana sa kanya kita nakawin at lagi mong iisipin kung hindi ka para sa akin wag mo lang makalimutin na ika'y mahal ko rin.

[Chorus]

Sa puso koy nag-iisa kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya. At wag ng mangamba kahit sabihin na kalimutan ka di ko to makakaya basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya
[Verse 2]
It really hurts ang magmahal ng ganito kung sino pang pinili ko hindi makuha ng buo hanggang ganun na lang nga kailangan ko tong taggapin na sa puso mo meron na ngang ibang umaangkin at alam ko na rin na mayroon nang nagmamayari sa pag ibig sa iyo ako itong nakikihati at ano man ang mangyari 'di ko kayang manumbat at kahit pa ilihim mo ako sa lahat gaano man kabigat sa puso ko itong aminin hindi dadaing wag ka lang mawalay sa akin masakit man na isipin na ako ang naghiram kaya pinasya mong huwag na ngang ipaalam at kahit hindi to tama ako ay sumugal kahit pa nga alam kong mayroon kang ibang mahal binigay ko ang lahat kahit ganto ang natamo sa pag-ibig nang iba ako ngayon nakikisalo

[Chorus]

Sa puso koy nag-iisa kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya. At wag ng mangamba kahit sabihin na kalimutan ka di ko to makakaya basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya

[Verse 3]
Sa situwasyon natin na ito hindi ko alam kung san tutungo alam ko mahirap pag mali pero mahirap rin isuko paano ko masusuot sing-sing sayo na dala, kung sa paglalagyan nito meron na palang na unang nakilala mo ako di ko binalak mang-gulo gusto ko lang mapatunayan na ika'y mahal ko, yung binuo ang buhay ko sa mga nakaw na saglit kahit ang tawag lang sa akin ay dihamak na kabit.
Oo nga ikay sa akin at ako'y sa iyo, at ikaw din sa kanya at siya din ay sa iyo, yun ay aking tinanggap para makasama ka lang pero sana wag sabihin na nakasama ka lang pero sana rin wag tayong dumating pa diyan tiisin ko ang lahat e basta wag lang yan kahit alam kong mahirap mong tanggapin na mas na una siya sa iyo kesa sa akin

[Chorus]

Sa puso koy nag-iisa kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya. At wag ng mangamba kahit sabihin na kalimutan ka di ko to makakaya basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya



CD  ·  DVD  ·  Sheet music
Comments

comments powered by Disqus