Soundtracks: A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

List of artists: A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #


Bata


Davey Langit Lyrics

 

Bata Lyrics

Bata by Davey Langit


Nais ko ang magbalik sa panahong
Pinapatulog pa ako
Ng nanay ko 'pag hapon
Kunwa-kunwaring iidlip
Pagkalipas ng ilang saglit
Ako'y tatakas na't makikipaglaro
Uuwi ka ng madungis
At basang-basa sa pawis
Papaliguan ka't pakakainin
Kahit na anong gawin
Di ka nila matitiis
Bago matulog may halik pang kay tamis
[Refrain]
Kay sarap lang talagang balikan
Ang malaya nating nakaraan
Kaya't sa aking pagidlip
Kahit dun man lang sa aking panaginip
[Chorus]
Gusto ko lamang magbalik
Kahit saglit, kahit lamang sandali
Sa aking pagkabata
Takasan ang problema
Dito muna magsaya
Ang hirap pa lang tumanda... haahaa
Magaling lang ako sa pagiging bata
Alam ko na
Kahit pa anong aking gawin
Hindi totoo ang time machine
Kailangan kong mabuhay pasulong
Di pwedeng paurong
Ganyan talaga ang buhay
Kapag pasan mo na rin pala ang daigdig
Di maiwasang mainggit
Sa naglalaro na bata
Na nagpapanggap nang mama
O di lang nila alam
Ganito pala kahirap tumanda
[Refrain]
Kay sarap lang talagang balikan
Ang malaya nating nakaraan
Kaya't sa aking pagidlip
Kahit dun man lang sa aking panaginip
[Chorus]
Gusto ko lamang magbalik
Kahit saglit, kahit lamang sandali
Sa aking pagkabata
Takasan ang problema
Dito muna magsaya
Ang hirap pa lang tumanda... haahaa
Magaling lang ako sa pagiging bata... haahaa
Ang hirap pa lang tumanda... haahaa
Magaling lang ako sa pagiging bata



A-Z Lyrics Universe

Lyrics / song texts are property and copyright of their owners and provided for educational purposes.