» » »

Imortal Lyrics

Imortal by Dahong Palay  

CD  ·  DVD  ·  Sheet music


Imortal Ako ay nagbalik, upang tuparin
Ang ating sinumpaang pag-ibig
Na tayo'y mag-iisang dibdib
Ipikit mo, iyong mga mata
Panalangin ang mapayapang paglalakbay
Tagumpay na uuwi sa iyong kamay
Sa digmaan, ako'y walang tangan
Kundi ang pinangakong pagmamahalan
Na nagtatakip sa akin sa kamatayan
Sa aking harap, ang panganib
Handang makipaglaban sa ngalan ng pag-ibig
Hanggang matikman ang kanilang dugo
Sa aking bibig

Sumikat at lumubog ang araw ng hari
Daan libong buhay ang aking binawi
Pitong buwan tumigil ang pakikipaglaban
Dumating na ang (araw / oras ) na aking hinihintay

Sa aking pagbalik, tila lahat matamlay
Sa aking pagkagulat
Ang aking sinta'y nabubulok sa hukay
Ipinikit ko, ang aking mga mata
Dinadalangin na ito'y panaginip na nagbibiro
Sa aking pagdurusa.



CD  ·  DVD  ·  Sheet music
Comments

comments powered by Disqus